Sunday, March 11, 2007

sa pagsisimula ng bagong linggo

kakaiba talaga ang mga araw na nagdaan. sa halos isang linggo, lagi akong pumapasok sa unibersidad na may kakaibang kasabikan. kahit na anong sama ng gising ko, basta mai-apak ko lang ang paa ko sa unibersidad, masaya na ako. dahil dito, ganado akong pumasok - siya namang ngayon ko lang naranasan. pumasok lang at hindi para mag-aral. kinokonsider ko na nga ang sarili ko bilang isang patay, brain dead. ayaw ko nang mag-aral eh. patay na ang isang utak at isip kapag sinabi na nitong tumigil na sa pagtuklas ng mga bagay na hindi niya nalalaman. ngunit, nang matatapos na ang linggong nagdaan, kakaibang kalungkutan naman ang tumuldok sa aking araw. ngayon naman, kahit anong kasiyahan sa umaga, hindi ko mapigilan ang aking sarili na matunganga na lang sa isang tabi at mag-muni. ilang araw, linggo at buwan ko na ring hindi nagagawang pigain ang lahat ng aking naiisip. lunes na pagkatapos ng halos tatlong oras. hindi ko na alam kung papaano ko lolokohin ang sarili. pahihirapan ko na naman ang sarili sa kung anong susunod na mangyayari mahirap. mahirap.. mahirap...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home