Sunday, November 19, 2006

beauty and the geek 2

katatapos ko lang manood ng beauty and the geeks 2. nalimutan kong isama na isa rin pala ito sa mga kinasasabikan kong panoorin noong sembreak. naaaliw kasi ako sa experimentong ito. mahusay na naisip ang palabas na ito. at siyempre, nakakatawa din ang mga karakter na napapaloob dito. may tipo akong partner at sila ang nais kong manalo: cher at josh. may ilang dahilan kung bakit sila ang gusto ko eh. una, kamukha ko raw si josh, noon. (afro, nakasalamin at geek); pangalawa, nakakatawa si josh; pangatlo, kamukha ko na siya, ngayon (maiksing buhok, nakasalamin, at geek); at ang pinakamaganda na marahil na dahilan ay crush ko si cher. ang ganda niya eh. maidagdag ko lang, mahusay ang kanilang kombinasyon, tipong malakas at parating nanalo.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home