Sunday, November 19, 2006

usaping edad

damang-dama ko na ang pagiging kolehiyo ko. ang pinagbabatayan na ng oras ay ang simula at tapos ng bawat semestre. nakakaaliw lang isipin na may ilang taon na rin pala ang lumipas mula ng aking pinag-iisipan pa lang pag kokolehiyo. naisip ko rin na may katandaan na rin pala ako. noong ako'y nasa hayskul pa lamang, ang taon na labimpito ay isang edad na matagal-tagal bago maabot - tipong marami-raming pagdaraan upang makarating doon. at sa halip, hindi pala ganoon iyon. hindi pala dapat binibilang ang mga hakbang patungo sa iyong naisip marating. (ayan malabo na naman ako)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home