weekend before the start of 2nd sem
ayun, ang aking mga high school frineds ay nagplano na gumawa ng isang short film. friday yung first day of shooting. masaya naman siya. kahit papa'no eh nasunod ang dapat na mangyari. mainit lang talaga. 2.00 ng hapon din kami nagsimula. nang mag-aalas kwarto na, nagpunta kami sa cubao upang bumili ng damit na matagal-tagal ko nang inaasam na bilhin. isang team manila (graphic studio) shirt. sa kabutihang palad, nabili ko ang gusto kong disenyo ng damit. sabado naman ay ang isa sa pinakamasayang araw ko. seryoso. dapat ay ito ang pangalawang araw ng shooting, kaso hindi na natuloy. nauwi na lang ito sa isang biglaang paggawa ng short film na hindi masyadong napaghandaan. nagroad-trippin' din kami sa may san roque at calumpang. at nagpunta ng robinsons metro east kung saan nanlibre si emong sa pizza hut, nagawa naming bigyan ng regalo si casey. isang super inggo na basketball ring. tapos, naglaro kami sa timezone. trip-trip ng ilang laro. pero ang pinakamasaya talaga ay ang sandaling kami'y nag-videoke. matagal na ding plano yun, kaso hindi natutuloy kasi kinukulang ng spark para kami ay maglakas ng loob upang magkantahan. at ngayong linggo, wala pa rin akong mga gamit. walang ball(point)pen, papel. hindi ko matawag ang sarili ko bilang isang studyante. hindi ko nga rin alam kung saan ang mga kwartong papasukin ko bukas. buti na lang at naisipan kong mag-internet upang alamin kung saan. parang ayaw ko na tuloy pumasok.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home