Saturday, October 07, 2006

pinagpatong-patong

iyon na nga. dapat may isusulat pa ako kaso mas nangibabaw yung bigla kong naalala. ngayon pala ang araw ng pasahan ng dokumentasyon para sa NSTP. grabe di ko malaman kung anong gagawin ko. nagkapatong-patong na kasi lahat ng gawain eh. bakit naman kasi kailangan pang isabay yung mga bagay na tulad nito sa nalalapit na examen. tapos, kailangan ko pang gumawa ng isang sulatin. ngunit sa kasamaang palad, di ko masimulan. dalawang araw na lang ang nalalabi bago dumating ang linggo ng mga pagsusulit. at sa ngayon, wala pa rin akong nasisimulang pag-aralan. iniisip ko kasi na ako ay may mataas na marka at hindi na nangangailangang dumaan pa ng pagsusulit. pero kung titingnan ang realidad, mukhang ang lahat ng ito ay malabong mangyari. sadyang napakatamad ko na talaga at hindi ko mapigilan ito. ang tanging aksyon na ginagawa ko lamang ay ang pagsabi na ako ay saksakan ng katamaran. solusyon ba ito? marahil hindi na. at kung inyong titingnan, ala-una na ng umaga at may gana pa akong magsulat ng ganito. partida at nagbabalak pa akong manood ng tv. tipong ayaw kong magpahinga. o siya na.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home