Thursday, January 11, 2007

pc

lagyan natin ng kaunting emosyon ang post na 'to. arggghhh... nakakaasar talaga 'tong pc na 'to. wala na ngang kasimbagal, wala pang kapereha sa pagloloko. lakas trip ng word. hmm... bad trip talaga, pano ka makapagtatrabaho ng maayos nito. at ayan dahil sa pagloloko, nauwi tuloy ako sa pagsusulat nito at pagsusurf na lang sa internet. subalit, habang sinusulat ko itong talata na 'to, napagtanto kong ok na pala. kailangan lang ng kaunting pasensya.

nakaaasar na rin at ang right to pursue happiness ay paunti-unting tinatapakan ng pag-aaral. sa pagkarami-rami ng gagawin ko para sa eskwelahan ay nababawasan na ang aking panahon para manood ng tv. hindi ko na rin magawang mag-surf ng mas matagal. nawala na rin sa isip ko ang pagliliwaliw. pero tingnan niyo naman, matapos magreklamo sa dami ng gagawin, narito ako at nagboblog lang. sobrang walang kwenta. kaya hindi na rin ako nagugulat na wala akong mapapala. alas-nuebe na ng umaga at kailangan ko pang pumasok para gawin ang proyekto sa pisika. asar talaga.

Tuesday, January 09, 2007

a thing to ponder

with koreans being so ubiquitous, are they the new chinese? i just realized it after a phil.soc lecture. hehe what if we separate (a mild term for discrimination by isolation) to a place called parian and call them name, like sangley? i really don't mean to discriminate, but what if we do? or don't?

i support jewel and kris of starstruck. ahaha. and here i go again. ahaha

Thursday, January 04, 2007

accomplishment

i accomplished something last year. this blog was updated monthly, unlike last year when i wasn't able to post on july. i do hope this year would be the same. classes resume today. i really don't have a class today but i have to go to school to see bicycle thieves for our film class.

Wednesday, January 03, 2007

happy new

happy new year sa lahat. ang sama nito. sa unang dalawang araw ng bagong taon, sinisipon ako. bad trip yan. pa'no ko maeenjoy ang nalalabing oras kung ganitong masama ang pakiramdam ko. ayun na nga. at ito na ang huling araw ng aking bakasyon. kay dami pala ng natambak kong mga gawain. buti na lang at yung iba roon ay nagawa ko ng madalian. at eto na naman, naghahapit ako sa paggawa ng mga gawaing pampaaralan. ngayon, humihingi pa ako ng ilang araw na ekstensyon ng bakasyon.

Monday, January 01, 2007

palengke.

nakapapa-huwow ang eksena sa palengke ng marikina. ang daming taong naglalakad. di mabilang ang mga naglalako ng kung anu-anong paputok at prutas. marami rin ang nakatayo sa tabi-tabi; ang iba'y nagbebenta ng paputok at prutas at ang iba nama'y naghihintay sa mga kasamang namamalengke. iba-iba ang ingay na naririnig; may nagkukuwentuhan, may nagtatalakan, may sumisigaw ng benta; may kalansing ng barya at may tumatakatak. kung inyong matatanong kung bakit ako napunta sa palengke, iyon ay sa kadahilanang kailangan kong maghanap ng trabahador na papalitan para sa aking proyekto sa filipino. kailangan naming maranasan ang maging isang ordinaryong manggagawang pilipino sa isang araw. mapalad akong nakahanap ng dalawang posibleng aking maging trabaho. isa ay tindero/kusinero sa isang bilihan ng fishball. at ang isa naman ay takatak boy. mamimili na lang ako kung ano ang trabahong nararapat sa akin. iba na talaga ang istilo ng pag-iingay ngayong darating na bagong taon, ang paggamit ng kanyon at boga. at talaga namang maingay(at nakaiirita) ang tunog na nililikha nila.

madali nang kunan ng larawan ang mga bagay-bagay ngayon salamat sa teknolohiya. at dahil dito, kailangan nang umangat ng isang lebel. isang dilema ang kinakaharap ko ngayon. dapat nga bang magpahasa ng mga kakayahan kapag dating sa fotografi o dapat nga bang magpahasa ng kakayahan sa photoshop? alin sa dalawa?