Monday, January 01, 2007

palengke.

nakapapa-huwow ang eksena sa palengke ng marikina. ang daming taong naglalakad. di mabilang ang mga naglalako ng kung anu-anong paputok at prutas. marami rin ang nakatayo sa tabi-tabi; ang iba'y nagbebenta ng paputok at prutas at ang iba nama'y naghihintay sa mga kasamang namamalengke. iba-iba ang ingay na naririnig; may nagkukuwentuhan, may nagtatalakan, may sumisigaw ng benta; may kalansing ng barya at may tumatakatak. kung inyong matatanong kung bakit ako napunta sa palengke, iyon ay sa kadahilanang kailangan kong maghanap ng trabahador na papalitan para sa aking proyekto sa filipino. kailangan naming maranasan ang maging isang ordinaryong manggagawang pilipino sa isang araw. mapalad akong nakahanap ng dalawang posibleng aking maging trabaho. isa ay tindero/kusinero sa isang bilihan ng fishball. at ang isa naman ay takatak boy. mamimili na lang ako kung ano ang trabahong nararapat sa akin. iba na talaga ang istilo ng pag-iingay ngayong darating na bagong taon, ang paggamit ng kanyon at boga. at talaga namang maingay(at nakaiirita) ang tunog na nililikha nila.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home