Friday, August 19, 2005

galit gulay

maaring kayo ay magtataka kung ano na naman ang sumagi sa aking baliw na kaisipan upang isulat ito. para sa inyong kaalaman, ito ay isang propaganda. at nagngangalang: Galit Gulay Propaganda aming inaanyayahan ang mga tao upang samahan kami sa misyon at adhikain na
  • iwaksi ang kamangmangan sa mga estudyante
  • puksain ang sumisira sa kalidad ng edukasyon
  • paunlarin ang kalidad ng edukasyon
  • maghatid ng isang MATINDING PAGBABAGO

ilagay lang ang blue at green na mga lace sa likod ng ating id. ito ang magsisilbi bilang tagapaghatid ng balita sa lahat ng may concern sa ating nais iparating. blue at green dahil ito ang kulay ng dalawa sa mga eskwelahan na ang kalidad ng edukasyon ay mahusay. pwede din ilagay ang maroon ngunit mas maganda kung blue at green pero pwede din ang tatlo.

ito ay sinimulan ng tatlo sa may mababang antas ng pag-iisip na nangangailangan na dinigin ang kanilang hiling. ito lang ang maaring gawin ni Finney, Arjay, at Benedict.

ito ay isang movement ika nga. ito rin ay isang non-profit organization. hindi ito isang fraternity o sorority dahil ito ay may adhikaing tumutuligsa sa mga mahalagang bagay kaysa nabanggit sa itaas.

ito ay hindi kabaliwan. katinuan ng balang araw ay magbibigay kahulugan sa ilang bagay na magulo sa inyong mga isipan.

ito ang hakbang sa simula ng katapusan.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home