Friday, December 01, 2006

bagyo

ngayon ang simula ng long weekend. isang araw na suspended dahil sa bagyo at isang araw na na-move na holiday. at dalawang normal na araw na nakalaan para magpahinga. at ngayong umaga, hindi ko pa rin alam kung anong mga dapat kong gawin. alam ko marami pero hindi ko maisip kung anu-ano yung mga bagay na 'yun. makulimlim na hindi katulad kahapon na maaraw. may kalamigan na at ang hangi'y mapresko rin. sabi nila, bukas pa raw darating ang bagyo dito sa metro manila. isang super typhoon daw. ang cool pakinggan kasi super. ibig sabihin talagang malakas 'to. bigla ko lang naalala na dalawang taon na ang nakalipas nang maranasan ng quezon ang hagupit ng isang kalmidad. sa aking pagkakatanda, noong disyembre nangyari 'yun. sobrang kakaiba ko talaga na kahit walang pasok, ganoong oras pa rin ako nagigising.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home