kadiliman sa kalagitnaan ng larawan pt.1
yehey!!! matatapos na ang school year 05. ang boring nga lang kasi wala kaming sportsfest. ang boring, wala kaming ginagawa. dead air. kasi yun nga, wala kaming magawa. dead air. dahil ang baho ng amoy na naamoy namin galing sa mga kapitbahay ng school. para bang baboy na ewan na ang baho na hihimatayan ka na lang bago mo pa maisip kung ano yun. kaso nga lang ang clearance na ang pinakamabigat na trabaho namin. kalimutan na ang bahong iyon at gawin na lang ang dapat. pero hindi pa rin maiiwasan ang maghapit. gagawa na lang sa araw mismo. siyempre para makipag-chismisan, maglalaro na lang ng basketball 'pag walang teacher, iinom ng bentang-bentang palamig ng canteen tulad ng sago-gulaman, tapos magtatalakayan kung ano talaga yung baho na iyon. tapos habang sinusulat ko ito, naalala ko yung baho, naalala ko tuloy yung teacher namin. actually, yung baho wala siyang kinalaman sa ipo2st ko. naisip ko lang yun para lagyan ng magandang intro. pero napagisip-isip ko, may connection din. baho=smell=nose=part ng face=nasa head=NECK=ilalim ng face and so on... nung naalala ko yung neck, talagang naalala ko siya. so here's the story: dumating siya klase. di ko naman alam kung late o hindi, pero okay lang yun at wag na nating pakialaman. so yun na nga. kahit papaano may mga pinagsamahan kami nun. nung first year, teacher namin siya. values education. and i can still remember that we did a, i think coz i see in her eyes joy and contentment, very good play. we exerted so much effort. buti na lang tagalog yung values education. tapos dumating yung second year. wala kaming teacher sa social studies, ngayon ang araling panlipunan naging social studies, meaning, english is the medium. so naghanap ang butihin naming office ng papalit sa nawala. siya na nga yun. hindi namin alam kung ano ang magiging reaksyon. sa akin, kahit papaano, nakakasawa. pero sige lang, ano ba magagawa namin. noong una, okay lang. pero dumating yung araw na may kakaibang nangyari. nagkaroon kami ng quiz, kakaiba siya kasi tatayo ka sa harap at magtatanong. mawindang-windang na lang ako nang tanongin yung classmate ko: "why is the volcano eruption?" huh?!? ano yun? ganoon na lang ba ang maririnig mo sa isang teacher. ilang tao din yung tinanong niya nung napakalupit na tanong na iyon, maraming nakapansin pero nagpikit-bulag tayo sa katotohanan, MALI siya. dahil na nga sa english ang ap, dapat bang makakaasa ka ng ganyan sa guro mo? hindi naman siguro tama yun. dumating pa ang ilang mga araw at may nadinig pa kami sa ibang section sabi niya: "please give me the white highlightener." and she's pertaining to the liquid eraser(yung touch and go... and the likes. kawindang noh? napansin ko din na maramdmin yun. kakainis. sabihin ba naman na ibinabagsak mo yung libro kung yung libro isang dangkal lang ang agwat sa table? grabe pa yung reakston niya dun. para bang pinagkaitan ng kaligayahan. ang arte niya kakainis. buti na lang hindi ako yon. kaklase ko. pinatawag pa nga nya yun para mag-usap sila. grabe mangbibitin ako... ehehe.. read part. 2
0 Comments:
Post a Comment
<< Home