life/style check
nakagugulat talaga tong buhay natin. napakabilis. hindi natin masabayan. hindi ko nga malaman kung bakit ganun eh may 24 oras tayo sa isang araw. matagal na ito para sa isang linggo, buwan, taon. parang kailan lang, bumili ako ng cd ng orange and lemons at ng stonefree. lumipas ang mga araw na mapagkunwari. sobrang sabik ako sa mga ito. gustong-gusto kong ipagmalaki pero ito ang bagay na nagpaaalala sa akin na ako'y hindi na naman nakapunta ng fete de la musique. pero kahit na, masaya pa rin ako. ganun na lamang ang aking pananabik ng muli kong mapakinggan ang stonefree. hinanap ko siya na may pananabik, at sa ngayon ito ang pinapakinggan ko. tulad din ito ng incubus na ngayon ay kinapapanabikan ko uling mapakinggan. sadyang magaling sila para limutin. ang galing, isang quarter na ang lumipas at ilang linggo ng summer din yun. sa pagtatapos ng unang quarter, umalis na naman si papa para magtrabaho. hindi ko nga alam yun kung hindi lang kami nagsimba ng sabay-sabay kagabi. ang sarap pala ng balot. muli na naman akong nakatikim nito. sa hindi ko malamang dahilan, bakit kaya ayaw ng mga dayuhan sa balot. pare-pareho lang naman tayo halos ng tiyan, tumutunaw ng pagkain. YAN ANG NAGAGAWA SA ATIN NG ATING PANLASA. IBINABATAY NATIN ANG ATING PAMUMUHAY SA ATING PANLASA GAYONG TUTUNAWIN DIN ITO NG TIYAN. naalala ko tuloy yung isang araw sa aking pagkabata na nakatatlong balot pa ako pero di naman ako nasuka. august 21, 2005. kamatayan ni Ninoy. sabi din ni mama at papa, nasa dalampasigan sila sa oras na patayin si ninoy. ang araw din na ito, isang taon lang ang nakalipas nawalan si benedict ng P500 sa amin. nagbabasketball kami ng nakawin ang kanyang kalupi. naalala ko pa rin ito dahil sa hindi maipaliwanag na mukha ni benedict. isang linggo na lang halos,isang taon ang nakalipas, at august 26 na-taping na para sa digital lg challenge. ganoon na lamang ang aming pananabik at takot sa kung ano man ang mangyayari sa aming pagharap,pag-upo, at pagsagot sa tanong ni Paolo Bediones at Bianca Araneta. pero para sa akin, wala nang lilinaw pa sa nangyari isang taon lang ang nakalipas. isang karanasang nakapagbigay sa akin ng kakaibang ligaya na hanggang ngayon ay wala pang tatapat. susi sa ibang masasaklap na pangyayari na tumulong sa akin upang lalong makapag-isip. isang nakababaliw at tila nagpabago sa aking buhay. nakatatak sa aking isipan na hindi maalis kahit sa ilang pagkakataon na pinanghihinayangan ko at sa minsan naman ay isang ligaya. ganoon na lamang ang aking pasasalamat. salamat. kung iyo lamang maalala. sana. sana lang.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home