Tuesday, October 11, 2005

masyadong late to kaso iba pa rin talaga ang epekto eh.

masyadong late to kaso iba pa rin talaga ang epekto eh. hay naku. at isang hay naku uli dahil sinimulan ko uli ang isang post sa isang hay naku. field trip ay nagdaan na lamang ng ganoon na lamang. kinakabahan ako nung una kasi feeling ko kung ano yung nararamdaman ko nung first year ay nangyari nung third year, at siyempre, second sa fourth. ay may ilan akong iniiwasan. isa na marahil doon ang field trip. hindi naman sa walang kwenta pero hindi ko siya nagustuhan. yung mga pinuntahan lang kasi eh. nakababad trip lang kasi ang ganda sana nung eight waves kaso umuulan, pano mo ieenjoy yun? ang tangi ko lang naalala ay ang pagkaripas ko sa butterfly museum at ang kahalayan na pagpo-pose nun sa mga mushroom ng 8waves ok snap back to the past. dumating naman ang araw ng field trip at ang aking ever faithful na kaibigang araw ay panay ang perwisyo sa aking balat. mabuti na yun kaysa ang madilim na ulap ang aking babatiin ng "hello!" ok lang naman ang field trip, ok lang din yung nasa itinerary. hindi din kami puro sa laguna eh. una museum yata, or whatever, ng mga biological whatever at sila ay preserved for quite some time, mga 30 years na din at parang kahapon lang nilagay sa solusyong mahiwaga. sunod, ay ang dairy farm na hindi ko man lang nasilayan dahil ako'y nasa bus lang at kinuhanan ng litrato ang isang mahiwagang eksena pero hindi naman siya kagandahan. tapos IRRI naman ang sunod. ayun, may video daw sila na kaabang-abang. tulog ako yun lang, period. pero naglibot-libot kami sa loob at isang larawan ni andre at larawan uli ni andre at nygel. tapos yung botanical garden na puno ng mga raptors. di ba dapat garden raptors na lang. wala akong nakitang bouganvilla at tulips at rose at orchids kaya hindi ko masabi na garden. daming birds at ang lalaki, hinahanap ko nga yung blackbird. hagard yun sa pagaakyat ang taas ng aming inakyat. buti na lang sinulit namin ang aming stay. swimming. as usual may swimming pool, pero ngayon wala ng batis. sorry, batis ng makiling pala yun. hindi na din namin nakita ang isang naliligaw na scuba diver na naglalangoy. pero ngayon iba na ang showstopper, si jonats nag-slide. noong una nakakatuwa pero yung sumunod, hindi na. papansin na lang. ibigay ang kaligayahan!!! at naguwian na nga. paubos na ang film at nilaan ko talaga ang mga huling kuha para sa kanya. thank god, hindi niya ako binigo! ang moment na yun, ang aking pagtingin sa viewfinder ng mga segundong iyon, ay naku, parang forever. ang hiling ko lang talaga ay sana mayroon akong skills para makuhanan ng mahusay ang larawan na yun. gusto ko nga sanang pigilan ang oras. ang ngiti talaga niya, hindi ko mapigilan na isipin magpasahanggang ngayon. ito ang bumubuhay sa aking alaala at nagpapaliyab ng apoy ng mga gunita. i'm so sure, very sure na iyon ang isa sa pinakamagandang ngiting nakita. nakakapanggigil talaga. hay naku, kailangan ko na talagang tigilan ito. i need some kilig moments with myself. nagmumukhang tanga na talaga ako sa gigil. "whenever i see your smiling face..." -james taylor

0 Comments:

Post a Comment

<< Home