Tuesday, October 11, 2005

nakatutuwa

nakatutuwa, buti pa sila masaya, ako hindi, ilang araw na din. ang lungkot, ito ang aking naging kaibigan sa bawat araw na wala ako. hindi ako, ikaw. maari bang pumutok na lang nang ganun na lamang isang baril kung hindi ito ikakasa? nakita ko? hindi ko naramdaman, bulag akong tumitingin sa bawat ligaya sa iyong mga labi. at dahil sa tahimik na ikaw nabingi ako. kailan pa kaya sisikat ang buwan sa isang umagang tinatawag nilang bukas? salamat sa isang tala naliwanagan ako ng husto upang mawala sa landas. nakakatuwa ako? "hindi!" aking sagot. kailanman wala. isang wala ang pumupuno sa aking damdamin na puno ng meron. hindi na mapigilan, isang hayop na ulol. at sa huli alam ko marami pang nakatutuwa hindi sa akin kung hindi sa lipunan. nakuntento na ako sa meron na ibinibigay ko upang maging wala at makalimutan na parang isang taong grasa. isang ako.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home