cleanliness is next to yes!
ayun na nga, unang araw ng setyembre. kinabukasan, kaarawan na ni emong. ang bilis eh noh. parang kailan lang at nawala ang kanyang kalupi na naglalaman ng tatlong daang pisong upang ipanglibre sa amin dahil kaarawan nga niya. pero hindi yun yung kwento eh. kahapon, astig. kasi pinatay namin ang dalawang manok na napamahal naman sa amin ng lubusan. si tanga at si ulol (si ulol, pinangalanan lang namin siya ng patay na). dahil sa aming lubos na kaligayahan sa pagpatay, ako ay napasigaw ng "tanga!" hindi ko nga alam kung ang tanga namin o sinisigaw ko ang pangalan ni tanga. kaso nagdumi kami ng husto sa lababo at aking inaamin yun. ngunit kapalit nito'y pag-amin ko din na linis ko iyon ng mabuti. promise! kaso kailangan naming pumunta sa science faculty kaninang umaga. bad trip. alam kong may mali na naman kami. bumura pala ang lababo dahil sa pakpak ni tanga. argghh. sabi ba naman sa amin, maglinis daw kami. kakainis. kung alam mo lang ang daloy ng dugo sa akin na talagang nag-iinit. sa lahat naman maglilinis. ayoko pa naman maglinis. tapos buong building daw. dahil dyan: bawal mag-ingay. maglilinis ka. bawal mag-tulakan. maglilinis ka. bawal mag-basketball. maglilinis ka. bawal mag-volleyball. maglilinis ka. bawal mag-soccer. maglilinis ka. bawal mag-ragnarok. maglilinis ka. bawal tumambay. maglilinis ka. bawal kumanta. maglilinis ka. bawal magtugtugan. maglilinis ka. bawal umihi diyan. maglilinis ka. bawal magkalat. maglilinis ka. tatalon ako sa gusali, maglilinis kaya ako? buhatin ko ang mundo, maglilinis kaya ako? susuotin ko ang id ko, maglilinis kaya ako? napakamot ako sa ulo, maglilinis kaya ako? nagsulat ako sa blog ko, maglilinis kaya ako? si rizal naglilinis yan. maunlad. ang unggoy naglilinis ng sarili. hindi kaya, kaya sila naglilinis, nagpapalinis, magpapalinis para matanggal ang baho ng institusyon? ang bango sa school namin. ano ba yan, nagrereklamo ako. hindi kaya maglinis ako?
0 Comments:
Post a Comment
<< Home