a rush
sa pagsagot ko kanina sa analytic geom, nangailangan ako ng papel upang pagsulatan. one whole, yun ang aking dinampot. malinis pa naman siya. parang bago, kaso alam ko luma na yun. ginamit ko nung summer yung pad ng one whole na iyon. rush, yun ang masasabi ko. nagkaroon ng isang rush ng mga nangyari noong summer sa aking isipan. tren ng mga ideya, alaala, emosyon, pilosopiya, mga larawan. lahat ng ito'y bumanat ng aking labi upang ngumiti na sa huli'y isang kalungkutan. sa hindi ko malamang dahilan, nangyari ang hindi ko inaasahan. sumabog ang damdamin sa isang papel na kakapiranggot. laman nito ang lahat ng aking pagkatao. isang hindi ako na tumagal ng isang tag-init. dala marahil ng init at lagablab ng isang emosyon na magdadala na kung anumang kabaliwan sa isang katawan ng tatanga-tangang nilalang. nabulag sa katotohanan, tinanggap ko ang init na iyon at sinunog ang aking balat ng madalian. sa isang kisapmata, nawala na ako sa katinuan. sabihin mong sisa na lalaki, salamat yan ang masasabi ko sa iyo. pabati na lang sa mga gwardiya sibil. tanging araw, ulap at kalangitan ang aking kausap at refuge. kami na lang ang nagkaintindihan, dahil alam ko na walang may alam ng aking sinasabi. hindi ko nga malaman dahil sa isang papel lang ganito na lang ang aking naramdaman. ang babaw, walang maturity. masyado bang malinaw o malabo? ang pagsusulat ngayon ay isang pagbabaliktanaw at dapat nang ilagay ng matagalang pahinga. ibabaon ko na. tinabunan na. limot na. limot na ang lahat.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home