walang pamagat
umupo siya sa isang tabi. ganito naman palagi. walang makausap;ayaw kausapin o ayaw kumausap. ganito naman palagi. wala nang iba, at siya lamang ang nakaiintindi. siya kausap ang saliri. sa ganitong paraan, nalalaman niya na ang isang mundo ay nabubuhay din. malapit na ang isang nalalabing gawain. kinasasabikan ng lahat. lumipas ang mga minuto na siya ay nakaupo pa rin. tuliro at walang ginagawa. umiisip siya ng isang bagay upang makalayo sa gawaing ito. nawala siya ng pansamantala sa kanilang mundo, nagisip na ang laman ng kanyang bag ay isang dekalibreng baril. isang mahusay na tiyak na papaslang sa isang walang kamuwang-muwang na nilalang. inisip niya nang inisip. muli, bumalik siya. pumunta siya sa kanyang bag at sa laking gulat, nakakita nga ng hinahanap. gusto niya itong iangat at ipagmalaki ngunit itinago na lang niya ito sa kanyang bag at sa kanyang sarili. naligayahan siya. natagpuan na niya ang taong hahalik ng unang bala. nakiayon ang panahon. natira lang siya at ang kanyang kasama. hindi niya nagugustuhan ang ginagawa ng dalawa. sadyang dumudugo ang mata sa tuwina'y nakikita sila. unti-unti niyang nilabas ang baril na nakatago sa kanyang bag. kumikinang nang magpakita sa mundo, ikinasa ang baril at inasinta sa una. dahil sa inggit, walang pag-aalinlangang pinaputok at tuluyang tumama sa ulo. isang pagdanak ng dugo. ito pala ang kanyang hinahanap. isinunod naman ang kasama nito. agad din itong kumitil sa isang walang malay at kinalaman. kaligayahang totoo, namula ang kanyang pisngi sa tuwa, humagikhik ng mag-isa. lumabas pa siya at hindi na nakuntento sa dalawa. inisa-isa ang bawat taong hindi niya katuwaan. inuna ang mayabang kinayayamutan. sinunod ang mahanging mapag-alam. ang magandang walang magawa kung hindi magpapangit. ang mapanlait. ang mataba. ang payat. ang matalino. ang bobo. ang madungis. ang malinis. ang lahat. sapat na ito upang makagawa ng kakaibang kaguluhan. ang mga tao'y nanahimik sa tuwa, sa lungkot at sa galit. naiwan siyang mag-isa sa gitna. ang palabas nila dapat ay naging kanyang palabas. mag-isang nakayuko. ngunit ilang sandali, tumingin sa itaas at tila nagpapasalamat sa nagawa. natapos na din ang hindi niya inaasahang palabas. naligayahan. dugo sa paligid. isang batis nito. isang maeksenang larawan. dugo bilang dagat, ilog, at talon at mga bumulagtang katawan na tila bundok, kapatagan at talampas. isang mundo. lahat ng ito'y isang bahagi lang pala ng kanyang halusinasyon. isang panaginip. isang kalokohan. pero hindi niya nalalaman. nagkaroon siya ng isang konklusyon. hindi pala ganito ang mundo. pagkatapos ng lahat, nakasama niya silang lahat. ang magandang walang magawa kung hindi magpapangit. ang mapanlait. ang mataba. ang payat. ang matalino. ang bobo. ang madungis. ang malinis. ang lahat. nakasama niya ang lahat ng ito sa isang sandali. tuloy-tuloy ang ligaya nila at hindi rin mapigilan ang sarili kung hindi sumabay sa agos nito. ito pala ang kanyang mundo.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home