uy... ay tanga pala
bakit kaya sa tuwing sasakay ako ng mrt, may lagi akong nakikita na hindi ko naman dapat makita? at sa paulit-ulit kong pagsakay dito hindi makukumpleto ang araw ko kung hindi ko makikita 'to. sadyang napakasakit nito sa mata at tunay namang nakatutuyo ng utak. ang aking tinutukoy ay ang mga babae sa mrt. magkukuwento na lang ako marahil para mas masaya. minsan nang ako'y sumakay dito, laking gulat ko ng may lupon ng mga babae ang nagpilit na sumakay sa treng nakalaan para sa mga lalaki. lalaki, mga kaibigan, at hindi sa babae. at para sa ikaiinit ng aking ulo, ito ang wika ng isa, "disabled po, disabled po." sa itsura pa lang, kita naman na walang problemang pisikal na sadyang hahabag sa iyong puso upang makapagbigay ng puwesto. sa ulo, marahil meron. isang misteryo din sa akin ang pagsasama ng mga magkasintahan sa tren. para sa mas magandang pda effect, nagyayakapan pa sila upang hindi makasagabal sa mga lalaki. ang gayun din ang paraan upang maproteksyunan ni lalaki si babae sa mga lalaking nagbabalak na tsumansing. isang paraan ito upang ipangalandakan na sila ay nagmamahalan. love conquers all nga naman. at kung sa bagay, maliit at sandaling bagay lang ito. napakadaling instraksyon ito na sadya namang kakikitaan ng katangahan. kung kailan naglaan na ng lugar ay pilit pa rin isisingit ang kanilang mga sarili sa isang lugar na hindi sila nararapat. matapos magreklamo ng mga babaeng ito ng panghihipo ay pilit pa rin ang pagsakay sa tren na hindi nila dapat na kinabibilangan. at huwag silang makapagreklamo ng kasikipan dun, dahil di hamak na mas maluwag at komportable dun. kung ang lakad na kanilang gagawin ay malaking bagay, isang patunay ng katamaran lamang. at wag nilang idahilan ang gustong pagsama sa iniirog kung siya'y nagseselos dahil walang dapat pagselosan kung wala and uri nila run.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home