The Dialogues
one of my interest and hobby is to look up the sky. specially when it's afternoon and the sky's covered by clouds and the sun's about to rest. the heaven is a mix of blue, red and orange. hour before writing this i was riding fx on my way home and as i see the sky, i just can't help but to glue my eyes on that picturesque view. as lovely as it can be, this reminds me of my childhood. and sometimes i wish i was still a kid. i'll play when the hot's frying my skin til i got tired and sun's tired too watching me playing with my hommies. and ah. actually, this is not my real post. tungkol sa isang nakakatuwang experience ko sa pagsakay ko kanina sa fx. tawagin na lang natin itong: The Conversation pagkatapos ng classes ko sa ateneo. uhmm. like i ride fx. coz i don't want my balat to make dikit-dikit sa mga jologs na people sa cheap na jeep. (ganyan talaga epekto...) joke lng po. pero yun, sumakay ako ng revo. bago pa siya. mga labas lang yata niya eh kailan lang. yung seats bago pa naman. yung aircon malakas. tapos kolorum pa yung revo. hindi pa ba bago yan? yung mga nakasabay ko, lahat naman sila yuppie. except nga lang sa nasa gitna, kasi may magsyota na nabitin sa paglalampungan. pero ok lang. exagge lang. pero sweet.(kainggit) siya nga pala, nasa likod ako. tapos habang tumatagal, napapakanta ako ng "Let's get loud" ni J.Lo. pano ba naman yung nasa harap, let's get loud talaga. ang lakas ng boses. noong una, akala ko nasa gitna lang sila kasi ang lakas. yun pala nasa harap. ang nakatutuwa lang doon, yung isa kaboses si ma'am big S(big talaga... hehehe) akala ko nga siya yun eh. di ba medyo let's get loud din yun. pinapakinggan ko ang kanilang napakatalinong pagtatalo. akala ko bagay sa suot nila, yun pala hindi. mantakin mo ba naman Full House lang pala. grabe, matawa-tawa nga ako eh. yung katabi ko din nga, napatingin doon sa katabi niya tapos napasmile ng isang makahulugang smile. ito yung ilang excerpts: Girl1: Ang gwapo talaga ni Justin Girl2: Oo, nga eh. Girl1: Grabe! Feeling ko nga dahil diyan sa mga chinovela na yan eh... Girl2: Ano? Girl1: In demand na tuloy yung mga intsik. basta singkit. lalo na pag mukhang koreano. Girl2: meron nga yung si Mr.X(di ko alam eh) pinares doon sa kaofficemate natin. mukha kasing chekwa eh. ang gwapo na daw. (nice one gurl!) eto pa Girl2: iba nga yung mga koreanovela eh Girl1: siyempre Girl2: ang galing-galing nila Girl1: iba mag-isip ng ending Girl1: oo nga eh, may twist Girl2: yung bida namamatay (excuse me lang po, pwede po bang pakipanood ang endless love 1-3, idagdag mo pa yung stairway.) Girl1: tapos hindi lang yan, kaya pala ang gwapo ni justin model pala Girl2: oo nga eh sikat siya na model. Girl1: ang galing magdala ng damit. Girl2: oo nga eh sikat siya na model. Girl1: basta Girl2: oo nga eh sikat siya na model. (di ko alam ung sinasabi nung isa eh. yun lang.) Girl1: ang gwapo pa nga niya eh pag astig yung suot Girl2: oo nga eh sikat sia na model eh. (pero ang pagkakaalam ko singer siya. correct niyo na lang ako. tapos hindi ko pa rin alam yung sinasasabi.) Girl1: basta, yung mga damit niya kakaiba. ang galing nga eh. ang gwapo-gwapo 'pag ganoon. grabe, iba din ang taste nito ha. pansinin niyo naman ang mga suot niya. wala lang, kasi sa akin, ang jologs ng suot niya. Girl1: bilib nga ako sa dubbing nila eh Girl2: sakto doon sa mga sinasabi Girl1: nakakatuwa nga eh, pag tinanggal ang dubbing Girl2: bakit? Girl1: intsik yung salita nila, nakakatuwang pakinggan, buti na lang may translation try mong pumunta ng korea, tapos let's get loud ka doon. hindi ka kaya pagtinginan? at baka pag tawanan pa? habang nag-uusap sila. sinabayan pa ng dalawang magofficemate sa gitna. ngayon naman, stairway. natuwa nga ako eh, sabi ng isa: "ang galing, may lumalabas pa na usok sa bibig nila pag nagsasalita." malamang!!! malamig dun eh... try mong punta ng korea?! at hindi lang nagtatapos diyan. yung dalawang kasama ko sa likod nagusap. sinimulan kasi ng dalawa, nagopen tuloy sila. Girl1: pupunta na si justin sa kanila jessie Girl2: oo nga eh Girl1: mag-uusap na sila Girl2: (silent lang) Girl1: siguro magkakaayos na sila Girl2: baka matatapos na ngayon. (nagkaalamanan na ang nanonood.)
0 Comments:
Post a Comment
<< Home