Thursday, April 07, 2005

done?

tama ba yung sinabi ko? niloko na naman ako ng damdamin ko. natapos lang ang NAT kanina pakiramdam ko tapos na. wala na talagang sasarap sa damdamin na nakatapos ka ng isang exam. lalo na kapag sa oras. pa'no ba naman, natulog ako kanina. mga 15 mins yun. sa 15 mins na iyon, panandalian kong nakalimutan na may exam. ang gumising lang sa akin, naalala ko na 10 items pa lang ang nasasagutan ko sa science. masyado kasi akong kampante na madami pang oras. pagkagising ko, ang nakita ko ang dami nang nakatayo, nasa last page na sila habang ako ay nasa number 10 pa lang. tapos, bukas magpapasa kami ng project sa chemistry, buti na lang nagawa ko na yon. umupo ka ba naman ng tatlong oras at painitan mo ng husto ang upuan mo, dapat lang na may magawa ka. siya nga pala salamat kay alvin. natutuwa ako kasi habang naghahanap naging pagkakataon ko iyon mag-download ng program. kaso nasa 64% na ako, nahila yung cable at na disconnect ako. sayang. kakainis. tinatamad na tuloy ako. simula na pala bukas ang isa sa pinakawalang kwentang mga araw ng school year. parang itong sinusulat ko.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home