seriously non-sense
ang saya talaga maging bata. o kahit kumilos na parang bata. bumanat ng mga so-called jokes kapag feeling mo bata ka. maglaro ng mga larong pangbata. kahit nga sa Bible eh sabi na kumilos daw na parang bata. pero ang nakakatuwa talaga sila. may dalawa akong sitwasyon na talagang pumukaw sa damdamin ko upang isulat ito. kakatapos lang namin magmeet nila eumir, finney, andre at ako sa bahay nila andre sa sto.niƱo. wow talaga yung lugar nila. noong lumabas kami sa bahay nila para bumili ng pagkain napadaan kami sa isang half-court na basketball court. so yun, dahil sa pananabik na makapaglaro, naglaro kami. siyempre pagkatapos mong maglaro, kailangan mong magpahinga. umupo ako sa isang tabi. tapos may napadaan na dalawang bata. (yes!!! bata!!! sila pala ang bida dito) naguusap sila. malamang hindi mawawala ang kanilang pagtatalo. away bata na siya naman talagang napakasayang pakinggan. laking gulat ko na iyon pala ay ang kapatid ni andre, si gab. kasama niya ang isang hindi nakilalang bata. itago na lang natin sa pangalan na totoy. gab: oh kilala mo ba yung naglalaro na iyon? (ako pa lang ang naupo noon para magpahinga, si andre at finney ay naglalaro pa rin. as usual malupit si finney) gab: oh kilala mo ba yung naglalaro na iyon? totoy: hindi bakit? gab: oh kilala mo ba yung naglalaro na iyon? totoy: hindi nga... gab: ako kilala ko yun... ikaw hindi... totoy: bakit sino ba yan? gab: classmate yan ni diko(referring to andre) galing noh? totoy: sino nga yan?
0 Comments:
Post a Comment
<< Home