eat your oysters!!!
ang sarap-sarap ng oysters!!! yung rocky mountain oysters parang yagballs. well sana alam niyo yung ibig sabihin ko. pero sa totoo lang, hindi talaga yun ang gusto kong iparating sa inyo. kungdi, itong nakawiwindang na gabi ng panonood ng telebisyon. katatapos lang namin magsimba at hinihintay namin ang aming kapamilya na dumating dahil nahuli silang nagsimba. at ayun, siyempre at wala nang iba, telebisyon ang aming matatakbuhan sa pag-aantay. enjoy naman kami sa panonood ng y-speak live. pero natapos din. scan-scan kami ng channels. at sa hindi inaasahang pangyayari, natripan namin manood ng isang kawindang-windang na programa. at iyon ay ang sa net 25, yung pangloloko nila sa kabilang sekta, ang dating doon, ni kapatid na eliseo soriano. (pasintabi sa lahat ng kabilang sa dalawang sekta) tinutuligsa nila si kapatid na eli. ipinapakita nila ang lahat ng kamalian ni eli soriano. kung ating aalalahanin, matagal-tagal na din silang nag-aaway. at bilang isang katolikong hindi naman diboto, wala akong paki-alam pero hindi naman ganoon, pinagkakatuwaan ko nga sila eh. basta may prinsipyo ako diyan na sadya pang malabo. sa kapapanood, ito ang dalawang mga prinsipyo na napulutan ko ng aral: sabi ng isang brother: Kapatid na Eli, mayroon din po bang kaligtasan ang mga nagmamay-ari ng gasolinahan? putsang gala yan oh, hindi ko na naipagpatuloy yung sagot ni eli pero nawindang na lang kami ni ate sa katatawa. ano bang sense niyan? kaya pala ang makikita mo sa heaven ay ang mga arabo. (kasi ganito, di ba oil countries sila?) sabi naman ni Bro. Eli: blah blah blah... May puwit din ang diyos. Bakit ba kamo? Nakakaupo siya, ibig sabihin may puwit din ang diyos. ahhh... wala na akong masabi, sabaw na utak ko. tama ba namang pagtalunan yan. kakainis pero nakakatuwa. aba'y ewan ko ba sa kanila! eat their oysters, i say!!!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home