for the sake of continuing what i started...
dumating ang araw ng kami ay papasok na para sa third year... high hopes... bagong classmates... bagong teacher at kasama nila ang kanilang mga subjects... as usual at hindi din naman nawawala ito, mayroon kaming elective...
at eto ay ang aming (drum roll please)
Malikhaing Pagsulat... with (drum roll again)... Ms. blah blah blah yadda yadda yeah yeah... as teacher... (thanks for the drum roll kahit hindi deserving bwahahaha)
pumasok siya sa aming silid aralan... normal lang... walang bago... nagpakilala siya, siyempre... pero nung nagpapakilala siya, hindi ko talaga matigilan ang pagtawa sa aking mga alaala... alaalang bumabagabag sa akin ngunit nagdadala ng kaligayahan, kaligayahang nagbibigay ngiti sa aking labi... sino ba namang hindi matatawa dun... ehehe... saya!!!
paki-check nga kung tama yung subject na nailagay ko sa itaas...
biglang may bumulong sa akin tungkol sa pangalan ng subject na iyon... sinira yung isip ko... ehehe... mawindang-windang na lang ako... kung magkakaroon lang ako ng isang kahilingan mula sa isang genie, three wishes daw...
una, mapalitan yung pangalan
sunod... wag sana nya mabasa to
ikatlo... infinite na wish para matuloy ko pa ito if ever na mabasa niya ito...
naramdaman ko ang corny nun ha...
enough of that... back to the ball game...
naiinis ako sa kanya kasi may ginawa siya sa akin na hindi ko talaga malilimutan... nagsimula iyon lahat sa isang bagay... bagay na hindi ko mahanap ng magandang rason... at iyon ay ang aking pag- ii
slouts habang klase daw niya... ilang beses niya ako napupuna dito... alam ko yung iniisip mo, ano yung
slouts? hahaha... wala sa oxford na dictionary nyan, kahit sa webster at sa kahit na kacheapan na dictionary... dahil ang salitang tinutukoy ko ay ang salitang slouch...
ilang beses niya pinupuna iyon... mga tatlo... okay fine, sorry... kaso ganoon lang talaga ako umupo... ang hindi ko lang talaga matanggap ay yung hinihiya niya ako sa klase namin... nakakahiya yun, ilang linggo pa lang kayong magkakakilala tapos ganoon kaagad yung banat ng teacher sa iyo... anong mukha na lang ang ihaharap ko? eh ako pa naman mahiyain at hindi marunong makisama sa mga ganitong pagkakataon, kaya wala akong magawa kung hindi mag-make face... ayaw din niya pala ito... basta... tapos sinabi pa niya sa akin, i mean, buong klase, kung gusto ko ba daw magdala ng kumot at unan kasi parang gusto ko na daw matulog... nakakainis talaga yan oh...
ang mas masama pa dun... pinatawag pa ako ng adviser ko dahil sa insidenteng iyon... ang sinabi pa ng adviser ko, gusto ko pa ba daw magtagal sa skul kasi sa ginagawa kong iyon parang hindi daw... hindi lang sa mga kaklase ako hiniya, pati sa adviser... lintik na...
ang pinakamasama pa doon, inubos ko yata ang pasensya niya at naubos din ang pasensya ko...
isang araw... nagkagulo na noon kasi parating na siya... ako kasi nakaupo sa gitna ng aming row... ganito yung arrangement: paul, keno,ako, erick... kaso nung dumating siya, naging: ako, paul, keno, erick... kaya ganoon kasi op ako sa kanila, tatlo silang volleyball players at talagang magkakabarkada... kaya naisipan kong lumipat ng pwesto, kasi gusto ko din ng nag-iisa... kaso...
nabad trip siya... grabe ang drama ng lola mo... kulang na lang yata ay umiyak siya... parang pinapanood ng teledrama ng tatlong araw straight at walang tulugan... sinong hindi maiiyak dun???
kaya ang ginawa niya ay pinalipat ako sa row ng mga babae... ginitna ako sa mga babaeng hindi ko kaklose nun... ang hirap ng ganoong feeling kasi para kang karne sa isang lata ng sardinas at hindi mo alam kung paano ka makikisama sa kanila... ang hirap noh... hindi sa ayaw ko sa kanila, ang hirap lang talaga ng ganoon... ilang araw akong nagtiis at nagtiyaga para pakisamahan ko sila... fortunately, masaya naman pala sila... pero hanggang sa magtatapos ang taon, umaasa ako na makakabalik ako sa pwesto ko...
tapos, may part iii, pakibasa na lang...ü