roses are red, carrots are orange
paningin talaga natin napakahalaga. kung anu-ano na lang ang nagagawa sa atin. wala lang. nakapag-reflect lang ako kanina habang nakasakay sa fx pauwi galing sta.lucia. nakababad trip kasi yan. inenjoy ko yung view kaso ang salamin ng fx may harang sa ibabaw. paano ko makikita ang super scenic view sa kalsada ng tuazon? eh kung sa baba naman yun? ganoon din. hindi ko din makikita. gusto ko kasi ng buo eh. sino bang hindi? nakabibitin ang feeling eh. kulang ka sa paningin. bigla akong natakot. para akong nabulag sa ibabaw na bahagi at unti-unti akong nawawalan ng paningin. noong bata ako, gusto kong magkaroon ng salamin. dahil alam kong may "pogi points" yun. (ang panget eh noh?) nagtry ako kasi medyo lumalabo na din ang aking paningin. isang salamin. hindi ko alam na makakabago ito ng aking paningin na dati'y malabo. lumipas ang ilang araw, linggo at buwan. nawala din ang aking salamin. nasira ko sila. nawala sila sa akin. nasira ako sa kanila. pero hindi ko nga alam kung bakit eh. isang beses na nawalan ako, naghanap. naghanap ng naghanap. hindi pala siya nawala. ako nakawala sa kanya. nasira ko din siya. nasira din ako sa kanya. umiba ang tingin ko ng ilang araw. at napagisip-isip ko na mahalaga din pala ang salamin. bumili ako. laki kong tuwa ng nakabili ako. binigyan ako ng bagong paningin pero alam ko yun pa rin ang nakikita ko. walang pinagbago. pero dumating yung ilang araw nabaliw ako sa mga nakikita ko. hindi ko nga alam kung bakit eh. ang weirdo pero alam ko kahit anong tanggal ko ng salamin at kamot ko sa mata, upang magising sa katotohanan, yun pa rin ang nakikita ko. kabuktutan ba? pwede din. kasalanan? ok lang. katarantaduhan? tama lang. ayaw ko na sa salamin ko. pero hindi yun yung punto pala. ayaw ko sa paningin ko. mali pa rin sabi ko sa sarili ko. siguro yung nakikita ko. ipa-opera ko na lang kaya. mahal nga lang siya eh. bata pa ako eh. pero napagtanto ko, kailangan ko munang magsuot ng salamin para luminaw ang mata ko. makakakita nga lang ako ng mga tamang gawain. sana lang yung nakikita ko yun yung totoo. ang hirap tumingin sa isang maling bagay. hay naku. kumain na lang kayo ng masusutansyang pagkain lalo na ang carrots.